Sa tuwing gagamit ka ng mga search
engine gaya ng Google Search hanggang anong pahina ka tumutingin ng mga
resulta? Ayon sa isang pag-aaral, higit sa 75% ng mga tao ay tumitinggin lamang
sa unang pahina ng Google Search results upang mahanap ang kanilang nais
na produkto o kasagutan. Kaya naman karamihan sa mga websites , blogs, o
e-commerce ang nagnanais na maiposisyon ang kanilang website sa unang
pahina ng Google Search.
Paano nga ba makakamit ang ninanais na
posisyong ito?
Ang konsepto ng Digital Marketing
at Search Engine Optimization ang siyang makatutulong sa mapalawig ang
iyong kaisipan pagdating sa Modern Website Promotion Methods. Ayon sa
mga konseptong ito, nasa mahigit 700 ang pamantayan ng Google sapag suri
ng bawat website kung paano sila ipag sunod sunod sa bawat Google Search.
Sa mahigit 700 na pamantayan, apat (4) dito ang tinuturing na pinakamahalaga.
1. Internal Website Optimization
Ang salik na ito ay ang kabuoang imahe
ng iyong website. Tignan ang bawat pahina ng iyong website o webpages
at siguraduhing ang bawat article at imahe na nilalaman nito ay
dekalidad, orihinal, at makabuluhan. Ilan pa sa mga bagay na pwede mong tutukan
upang magkaroon ng high-quality optimized web pages ang mga sumusunod:
- Tamang set-up ng page titles, descriptions, H1, Alt, at iba pa
- Smart internal linking
- Iba-ibang imahe, video at social
network links
- Keyword presence, relevance, frequency, at spam level
- Unique Content
Ang salik na ito ay ang pagkilala sa iyo
ng ibang mga dekalidad na website. Kung sa tao pa, it is the people who talk
about you. Mahalaga ang salik na ito bilang batayan kung ang iyong website
ay pinagkakatiwalaan at kinikilala rin ng ibang mga website at influencers.
Binibilang dito ang mga links mula sa ibang websites na dumiderecta sa
iyong website. Upang mai-maximize ang external links for website
promotion, siguraguhin ang:
- Bilang ng links mula sa ibang website patungo sa iyong website
- Link Quality ( Strategic and relevant link placement )
- Ang mga link ay nakapaloob sa relevant
articles at website themes
- Bilang at variety ng mga websites kung saan nakapaloob ang mga links
- Ang mga website ay hindi “blacklisted” (Marked as spam, fraud)
3.
Visitors Behavioral Factors
Ang salik na ito ay kung paano
tinitignan at nakikipag-engage ang mga users o website visitors sa iyong website. Masasabing ang isang user
o website visitor ay engaged sa iyong website sa pamamagitan ng mga sumusunod
na elemento:
- Time duration o Panahong itinagal ng bawat user sa iyong website
- Depth of view o bilang ng web pages na binisita ng user
- Bilang ng mga users na bumibisita sa iyong website sa higit isang beses
- Bounce Rate o bilang ng mga user na bumibisita sa website at pagkatapos ay agarang umalis
4. Social media
factors and methods in SEO
Ang salik na ito ay nagpapahalaga sa interaksyon ng mga credible social networks users
tungkol sa iyong website at paksa o theme ng iyong website. Upang mapanatiling
mataas ang engagement ng bawat user sa iyong website at website theme,
mahalagang palaging merong fresh content na pwedeng pag diskusyunan.
Muli, sinusuri dito ang:
- Bilang ng mga nag like at share sa iyong website o social media page
- Mga nabuong groups sa social network ukol sa iyong website o theme
- Social Network groups maintenance ( frequency of posts, number of views by visitors, etc.)
- Credibility of Social Network Users na
aktibong nakikibahagi at nakikipag-interact sa iyong website o mga theme at
topic na mayroong kaugnayan sa iyong website
Bagaman mahalagang
mapag-aralan ang apat (4) na pamantayang ito upang maisiguro ang pagpasok sa top
Google Search Pages, ang pagpapakita ng makatotohanang impormasyon at
pakikitungo nang tapat ang siyang dapat manatiling pinakamahalaga lalo na sa
panahanon ngayon kung saan ang ating henerasyon ay lubos ang pagtitiwala sa
impormasyong natutuklasan sa mga Search Engines gaya ng Google
Search.