Monday, August 5, 2019

Apat na Tips Para Mabilang sa Top Google Search Page



How to make it on the first Google page?
Sa tuwing gagamit ka ng mga search engine gaya ng Google Search hanggang anong pahina ka tumutingin ng mga resulta? Ayon sa isang pag-aaral, higit sa 75% ng mga tao ay tumitinggin lamang sa unang pahina ng Google Search results upang mahanap ang kanilang nais na produkto o kasagutan. Kaya naman karamihan sa mga websites , blogs, o e-commerce ang nagnanais na maiposisyon ang kanilang website sa unang pahina ng Google Search.

Paano nga ba makakamit ang ninanais na posisyong ito?

Ang konsepto ng Digital Marketing at Search Engine Optimization ang siyang makatutulong sa mapalawig ang iyong kaisipan pagdating sa Modern Website Promotion Methods. Ayon sa mga konseptong ito, nasa mahigit 700 ang pamantayan ng Google sapag suri ng bawat website kung paano sila ipag sunod sunod sa bawat Google Search. Sa mahigit 700 na pamantayan, apat (4) dito ang tinuturing na pinakamahalaga.

1. Internal Website Optimization

Ang salik na ito ay ang kabuoang imahe ng iyong website. Tignan ang bawat pahina ng iyong website o webpages at siguraduhing ang bawat article at imahe na nilalaman nito ay dekalidad, orihinal, at makabuluhan. Ilan pa sa mga bagay na pwede mong tutukan upang magkaroon ng high-quality optimized web pages ang mga sumusunod: 
  • Tamang set-up ng page titles, descriptions, H1, Alt, at iba pa
  • Smart internal linking
  • Iba-ibang imahe, video at social network links
  • Keyword presence, relevance, frequency, at spam level
  • Unique Content

 2. External factors for website promotion

Backlinks building
Ang salik na ito ay ang pagkilala sa iyo ng ibang mga dekalidad na website. Kung sa tao pa, it is the people who talk about you. Mahalaga ang salik na ito bilang batayan kung ang iyong website ay pinagkakatiwalaan at kinikilala rin ng ibang mga website at influencers. Binibilang dito ang mga links mula sa ibang websites na dumiderecta sa iyong website. Upang mai-maximize ang external links for website promotion, siguraguhin ang: 
  • Bilang ng links mula sa ibang website patungo sa iyong website
  • Link Quality ( Strategic and relevant link placement )
  • Ang mga link ay nakapaloob sa relevant articles at website themes
  • Bilang at variety ng mga websites kung saan nakapaloob ang mga links
  • Ang mga website ay hindi “blacklisted(Marked as spam, fraud)


3. Visitors Behavioral Factors

Ang salik na ito ay kung paano tinitignan at nakikipag-engage ang mga users o website visitors sa iyong website. Masasabing ang isang user o website visitor ay engaged sa iyong website sa pamamagitan ng mga sumusunod na elemento: 
  • Time duration o Panahong itinagal ng bawat user sa iyong website
  • Depth of view o bilang ng web pages na binisita ng user
  • Bilang ng mga users na bumibisita sa iyong website sa higit isang beses
  • Bounce Rate o bilang ng mga user na bumibisita sa website at pagkatapos ay agarang umalis

SEO components

4. Social media factors and methods in SEO

Ang salik na ito ay nagpapahalaga sa interaksyon ng mga credible social networks users tungkol sa iyong website at paksa o theme ng iyong website. Upang mapanatiling mataas ang engagement ng bawat user sa iyong website at website theme, mahalagang palaging merong fresh content na pwedeng pag diskusyunan. Muli, sinusuri dito ang: 
  • Bilang ng mga nag like at share sa iyong website  o social media page
  • Mga nabuong groups sa social network ukol sa iyong website o theme
  • Social Network groups maintenance ( frequency of posts, number of views by visitors, etc.)
  • Credibility of Social Network Users na aktibong nakikibahagi at nakikipag-interact sa iyong website o mga theme at topic na mayroong kaugnayan sa iyong website


Bagaman mahalagang mapag-aralan ang apat (4) na pamantayang ito upang maisiguro ang pagpasok sa top Google Search Pages, ang pagpapakita ng makatotohanang impormasyon at pakikitungo nang tapat ang siyang dapat manatiling pinakamahalaga lalo na sa panahanon ngayon kung saan ang ating henerasyon ay lubos ang pagtitiwala sa impormasyong natutuklasan sa mga Search Engines gaya ng Google Search.

Sunday, July 14, 2019

Paano correctly setup ang 404 page

How many times ka na bang naka-encounter nang message saying that the requested page does not exist while nagba-browse ka nang Internet? What do you usually do in this situation?
Most likely, iko-close mo ang page tab and move to another website without trying to figure out the reasons kung bakit this happens.

On your own website, your visitors encounter an error 404 din:
- Ano ito? – Kadalasan, they will automatically close the tab in your browser kapag nangyayari ito. At that moment, you are losing a potential customer. This occurs dahil the 404 error page is not properly designed and arranged.

Bakit important ang 404 page design?
To begin with, let's remember na ang 404 error is the server’s response code dahil impossible na mai-display ang document na hinahanap nang visitor, web page or any other information primarily dahil hindi naman talaga ito existent.

The most common causes of this error are: 
• broken links;
• change of web page address;
• error when writing the URL in the address bar;
• page removal or deletion from the website.

Ang daming options, right? Therefore, you need to know kung papaano i-setup ang 404 page in case a user hits it. With properly arrange 404 page ang iyong visitors ay automatically redirected to the other page instead of leaving your website.

How should a correct 404 page look? 
1. Ang design nang 404 page should be more or less the same sa look nang entire website, so that the user does not feel that he has entered another website. This creates the integrity of the virtual space para ang visitor is given the opportunity to stay sa iyong website.

2. Properly designed 404 page should contain a link to the main page and/or menu para madali para sa visitor to return to your website without the question: “What to do next?”.

3. Ang 404 page ay pwde ding i-arranged with some humor - is one of the best ways to get the user to treat the situation with fun and convince him not to leave your website. You can use not only humorous text for page 404, but also pictures nang mga relevant content sa iyong website. This web page is perfectly suitable to express creative ideas which cannot be implemented on other pages of your website. Pwede ka ding maghanap nang examples of the 404 error page na nakita namin  para sa iyo on www:


4. It’s way better na gumamit nang images together with the text. Creative and funny 404 errors pages are good choices para matanggal ang negative emotions that occur in such situations, which will allow a little improvement to behavioral factors.

5. Unleash your Creativity! Pwede mong i-combine ang mga recommendations para makagawa ka nang memorable 404 page. We suggest you to use a link to the main page, search field (if you have it) or simply browse your website’s para sa most popular articles.

6. Do not forget to explain to your visitor kung bakit he sees your creative 404 error page. After all, hindi lahat aware kung ano ang 404 error and how to behave when it appears. Kindly avoid deep technical details here. Make it short, helpful at creative.

7. If you do not have time to create unique and funny ideas, pwede kang gumamit nang Google para makakita nang examples using “creative 404 error pages”.

Funny and creative 404 error pages ay hindi nanman necessary, pero they can change the attitude of visitors to your website at ikaw ay makaka-benefit dito. And this, as you may understand, is quite a lot to help them make the right decision about a purchase or ordering some products or services from you.

Make your unique and creative 404 pages today! Good luck!


Wednesday, April 17, 2019

Is it worth it to buy an old domain?


Sa pagpili ng address para sa website, maraming novice owners and developers ang kadalasan ay faced with tempting offers – bumili ng old domain. At the same time, may mga legitimate considerations na kailangan mong i-consider:     
• Paano makaka-affect sa iyong website ang reputation ng used domain?
• Ano ang optimal ratio ng price at attractiveness ng isang domain name?
• Paano i-check ang history ng isang domain and not be deceived na magbayad ng excessive amount that is under the filter?

Makukuha mo ang mga answers below.

Makukuha mo ang mga answers below.


Why should you buy domains with history?

Ang pagbili nang domain ay nangyayari due to one of reasons below:
1.  Ang presence ng external link mass which allows you na mag-start nang fight para sa leadership positions nang mga search engine results mula sa certain level (but certainly not from below).

2.   Ang age ng domain, na kadalasan would pay attention sa search engine kapag ni-rank ang web resources.

3.    Personal needs. Ang presence ng required keyword sa iyong domain name. Ang ease a pag-remember ng address, kung ito ay maikli or it successfully combines the characters. For example, for website building at gusto mo talagang pumili ng domain name like www.easybuilder.pro, this will immediately raise the level of prestige sa iyong site.

4.      Para a purpose na mai-resell at a higher price later on (since ang domain has above mentioned qualities at ang current selling price ay mas mababa sa potential market value)

Ano ang mga risks in buying an old domain?
Now, you will learn the simplest truths na makakatulong sa iyo to easily make decisions when you have questions gaya ng "Is it worth it to buy an old domain?" sa future.

1. Walang gi-give-up nang really really good promoted domains at i-bebenta ito separately from the rest ng kanyang business.


2. Kung gusto mong bumili ng “very well” attractive domain para sa same “very well” bargain price, 90% of the time ang purchase mo is under the filters, ibig sabihin, it will take a long time along with a lot of effort from your end para sa domain na ito to have a good reputation again. 

Paano mo malalaman kung ang domain is under the search engine filters?
To make this possible, kailangan mong i-check ang history ng domain na gusto mong bilhin. It is necessary na mahanap mo ang all possible information tungkol dito. Here are some ways kung paano mo magagawa ito:
• Gamitin ang irreplaceable service wayback.archive.org. Ito ay makakatulong to check in detail ang history ng isang domain and see kung sa anong sites ito dati nag-i-exist in different periods of time. Mula sa archive copies provided, pwede mong ma-assess ang quality ng content that was previously located sa address na ito, estimate ang possibility of it falling under the filters and try to understand kung it makes sense to buy the old domain.

• Subukan mong magtanong sa dating owners (although kung may problems man, they are unlikely to tell you about this).


• I-search mo ang backlinks at i-assess ang credibility of source resources (for example, using ahrefs.com).

After mong i-analyze ang lahat nang collected information, pwede ka nang mag-assume regarding sa presence of active filters with respect sa selected address or their absence. Ito lang ang only way para mai-assess ang mga associated risk. Unfortunately, hindi ito 100% guaranteed methods. Kahit yung mga listed methods cannot give a full guarantee na you will receive all the necessary information tungkol sa old domain.

Ang pagbili ng old domain ay may possible risks na can only be justified nang iyong real need for a specific address. Therefore, kung gusto mo talaga ng site without a "dirty past", bumili ka na lang ng new domain.


Thanks for your attention! Wag kalimutang i-share with your friends ang link to this material to help them learn too!

Friday, March 22, 2019

Ang Website promotion at mga myths tungkol dito



SEO facts and Myths
Maraming website owners are looking for help sa mga search engine optimization specialists these days. However, ang daming requirements na technologically impossible at yung iba naman ay maaring iconsider na “fall for the bait” ng mga crooked specialists which can only lead to you wasting a lot of money. Nangyayari ang mga situation na ito because of the many SEO myths and delusions that were spread out in the market these days.

Kung interested ka sa iyong website promotion, basahin mo ang article na ito to understand kung ano-no ang mga SEO myths and kung paano mo ma-avoid ang mga common mistakes na ito.

Ang SEO myths tungkol 5 queries
There is this opinion na ang isang page ay hindi maaring i-optimize for more than 5 keywords. Hindi ito totoo! Ang pages ay kayang mag-hold nang kahit ilang keywords na kailangan mo. Maari itong 5, 10, 30 or 50. Wala namang limit kung ibabase natin sa SEO rules. However, dahil sa dami nang keywords, it is important to keep in mind na kailangan mo ding mag-adhere sa page proportion parameters. Kahit na merong excess, ang number of keywords ay hindi naman necessarily dapat bawasan, what you have to do is dagdagan ang amount nang text.

Mga Keywords at mga myths about its size
SEO keywords sizes

Isa pang unsupported claim argues na hindi kayang ipromote ang isang site using more than 30 different keywords. This claim is also considered under “SEO Myths”. Sa totoo lang, the size of the keywords is unlimited naman and can include hundreds and even thousands of them, depende sa size nang website mo.

1 keyword for 1 paragraph
Maraming tao ang may misconception na ang combination na ito can optimally affect the website promotion but it is what it is, just a misconception and is completely groundless at walang basehan. Wala ding limit dito. Sa kahit anong paragragh, pwedeng magkaroon nang kahit ilang keywords.

Ang Keywords ay dapat identified by SEO specialists
This misconception naman ay quite common sa mga owners nang web resources. Marami sa kanila ay naniniwala na ang mga hires specialists ay ang makaka-identify nang mga keywords. Again, this is far from being true. Ang pagpili nang wrong keywords may cause unrepairable harm sa quality nang isang website promotion. Wala nang iba pang tao na pwedeng pumili nang best keywords describing your business better sa iyo. After all, ikaw ang mas nakakaintindi at nakakaalam kung ano ang relevant sa iyong business more than anybody else. Kaya wag kang maging lazy at spend a few days of personal time para sa napakaimportanteng task na ito. Makakatulong din ito to make you save a lot of money.  


SEO keywords frequency
SEO myths tungkol sa high and low frequency keywords
Merong mga optimizers at website owners na naniniwala na ang key para sa kanilang success ay ang use of high frequency queries. Sa isang banda, it may seem it is. However, it is again just an SEO myth. In fact, sa bawat case, everything happens differently. Getting into the top of the search engine pages gamit ang mga queries na ito ay ang pinakamadali pero pinakamahal na paraan but the conversion rate ay maaring napakababa.

Ganito rin ang nangyayari kung gagamit ka ng low-frequency queries. Maraming naniniwala that promoting them will bring best results, pero ang pinaka mabuting suggestion to have a successful website promotion ay mag-identify nang tamang combination nang high at low frequency keywords.

Just a couple of days and you are in the TOP!
May mga unfair na SEO specialist that often promise their clients nang lightning-fast website promotion, at ang myth na ito ay widespread among the clients na poorly guided tungkol sa topic na ito at naniniwala na possible nilang makuha ang kahit ano basta may money. Kaya lang, ang real situation ay hindi naman talaga ganito. Ang speed nang promotion nang iyong website ay naka depend sa amount nang iyong investment pero ang results na makukuha mo may vary within a few months. Kung makakakuha ka nang promise to be in the Google top pages sa loob lamang nang tatlong araw, leave immediately! Hindi lang ito isang myth, isa siyang scam! I guarantee that you will be wasting your money dito.

SEO myths folder
You need to advance on each search engine separately

Isa pang example nang cheating sa mga gullible na customers. Ang mga rouge SEO specialists ay nagpapakalat nang SEO myths for a purpose na due sa difference in search engine algorithms, kailangan mong i-advance ang bawat isa nito separately. Dahil dito, need mo na pumili nang separate list of keywords para sa bawat isa. Kailangan mong magbayad nang several times more kung gusto mong i-cover ang 2-3 search engines.

Ito ang deepest deception!

Kahit pa na ang bawat search engine ay merong kanya-kanyang ranking algorithm, ang bawat search engine, kadalasan, equally take into account ang parehong factors (mga relevant keywords, quality nang content, high ranked backlinks, etc.).

Savings on SEO
Pagkatapos mong basahin ang article na ito, I hope na kaya mo nang gumawa nang sarili mong website promotion successfully at kaya mo na ring irefute at ma-spot yung mga myths that could make you spend nang sobrang time and money. Ito yung makakatulong sa iyo to put unfair SEO specialist sa tama nilang kalalagyan.

Siguraduhin mo ring wag makalimutan na i-share ang material na ito sa iyong mga friends para i-protect sila from making the mistakes na nai-describe ko sa taas.


Glossary:

CMS – content management system. It manages the creation and modification of digital content.https://en.wikipedia.org/wiki/Content_management_system


Keywords research  - is a practice search engine optimization (SEO) professionals use to find and research what people enter into search engines portals while looking for a particular subject.

Search engines - is a software system that is designed to search for information on the World Wide Web. 

Search engine robots (or Web crawler, sometimes called a spider or spiderbot) - is an Internet bot that systematically browses the World Wide Web, typically for the purpose of Web indexing (web spidering). https://en.wikipedia.org/wiki/Web_crawler



Thursday, February 14, 2019

Paano Pumili ng Domain Name

ad on the building how to name my future websiteKung gagawa ka ng sarili mong internet project, blog, online shop, etc., kailangan mong pumili ng name para dito. Sa digital world, ang name or address ng isang website ay tinatawag na domain name. Siguro ay meron ka nang mga ideas para for a great design or content. In fact, hindi ka na makapaghintay to make it available online. Pero, ano ba talaga ang name na ibibigay mo para sa project na ito? 

Sa article na ito, I will describe the basic rules, tips and mistakes na dapat mong iwasan.

Kaunting definitions muna.
Ano ang TLD? Ang Top-level domain ay ang last segment ng isang domain name, or the part that follows immediately pagkatapos ng “dot” symbol. Kilala rin ang Top-level domain as domain suffixes.
Who regulates the domain rules? Ang Internet Corporation for Assigned Names and Numbers (ICANN) ay isang organization that coordinates domains at IP addresses para sa internet.

Paano Pumili nang Tamang Domain Name para sa Iyong Website
coffee and computer with personal website on the displayMas magiging madali para sa iyong pumili ng domain name if you decide in advance kung ano ang
magiging purpose ng iyong website. Anu-anong information and answers ang ibibigay ng website mo to your online visitors?
Kung ito ay magiging personal page or blog, then a combination of the name and surname in any form ay magiging perfect para sa iyo.

Kung kailangan mo namang pumili ng domain name para sa isang company website, then you will need to use a different approach.

Pagpili ng Domain Name para sa iyong e-commerce type na online shop
Sa case na ito, you need to focus sa iilang simple rules:
-        Based on the product and service that you are selling. Kailangan mong i-specify sa address mismo ng iyong website kung ang iyong activity ay naka-focus on something (makatilaundry.ph or airconcleaning.ph). Makakatulong ito sa iyong visitors to more or less understand what kind of content ang kanilang makikita within this address. 
-       Based on your company brand. Ang option na ito ay suitable para sa malalaking companies na engaged sa iba’t ibang uri ng activities and whose owners want to be found by brand, at hindi sa individual product lang (dell.com).
-     Based on the customer’s search request. Isang halimbawa nito ay freshbukocebu.com. Sa case na ito, maaari kang makakuha ng huge positive impact para sa search request like “where to buy fresh buko juice in Cebu”. Ibig sabihin nito, ang website mo ay maaaring nasa first page ng Google.

Mga Tips Kung Paano Pumili ng Right Domain Name Effectively
#1. Ang iyong selected domain name must be easy to remember para sa iyong potential visitors. Pwede itong meaningless combination of words as long as maikli lang, creative at madaling matandaan.   

make it easy sign in the man arm
Ano ang dapat mong gawing kung ang iyong domain ay already taken? Una sa lahat, it is worth checking its presence sa ibang domain zones (if taken na sya sa .com, maaaring available pa ito sa .org, .biz, .net, etc.).
Kung ang option na ito ay hindi talaga pwede at kailangan mo ng specific domain name- there is always a chance for you to buy it na lang.
Kung ang addreess na ito ay held by the domain name investors, then the problem will be the sales price.
Kung ang address na gusto mo ay actively used by its owner then kailangan mo siyang ma-convince na mas kailangan mo ito more than him.

Kailangan mong isaisip ang iyong location when you are thinking about choosing the right domain for your business. Kung magbe-benta ka ng souvenirs in a particular region, then logical lamang na piliin mo yung address in the corresponding zone (boracaypasalubong.ph).

Ang isang domain name ay kadalasang leased for one year. Mainam ito if hindi ka pa sigurao kung gaano ka katagal magiging engaged sa business na ito kaya there will be no point na magbayad for sa longer period. Pero kung serious ka talaga sa business mo at plan mo na mapunta sa TOP nang mga search pages and successfully work for more than one year, kailangan mong i-book ang domain for several years in advance.

Ang mga domain names na ordered for several years in advance ay kadalasang very well rated ng mga search engines. Alam din nila na ang mga owner ng mga domain na ito ay serious about the business and ready na mag-invest para sa development nito.   

frustrated asian girl cannot remember website nameIt is advisable na i-avoid ang mahahabang names (three words or mas mahaba) na kadalasan ay
mahirap ma-remember and understand.

Bad examples (sobrang haba, more than 3 words): paanogumawangonlineshop.com.ph or pinakamasarapnasisigsamanila.ph
Good examples (easy to remember, 1 or 2 words): easybuilder.pro or cheese.ph
Maaaring nahihirapan kang sundan ang mga tips and rules sa pagpili nang tamang domain name pero nararapat na subukan mong mag-comply to as many of it as possible.

Paano pumili ng Domain Zone?
As mentioned earlier, para matulungan kang mag-decide kung anong domain zone ang pipiliin, ang first thing na dapat mong i-consider ay ang purpose at location ng iyong website. Ayon sa principle na ito, we can highlight the main categories;
-     International. Halimbawa, .com, .net, .org. Maaari kang mag-register nang domain sa mga zones na ito kung ang iyong target market ay hindi limited sa specific country.
-       National. Halimbawa, .ph, or .com.ph assumes na ang personal or business target visitors mo ay within a specific country.
-    Regional. (namedavao.ph). Ito ay perfect sa mga website that offers certain services sa particular region, region or city (for example, local food delivery company).

Mga TLDs at ang kani-kanilang explanations are as follows:

cubes of different domain TLDs-         .com – Commercial
-         .net - Network organizations
-         .edu - Educational organizations tulad nang
       schools or universities
-       .org - Organizations (generally charitable)
-         .pro – Professionals
-       .gov.ph - Philippines government agencies
-        .ph or .com.ph – Philippines
-        .eu – European Union
-        .de – Germany
-        .au - Australia

Maaari mong makita ang full list ng mga TLDs sa link na ito or here.

Pagpili nang Domain Zone by other features
Kung pipili ka ng domain name para sa isang personal website or personal blog, in this case ang .name ay perfect para sa iyo. Ang address ng iyong website will look something like this: http://marialopez.name or http://johngarcia.pro (.pro, means “professional”, so it will be appealing sa mga professional freelancers). Ganito ang gusto mong digital business card, hindi ba?
Ang .info zone naman, as you might have guessed, ay suitable para sa mga information websites. In addition, ang addresses sa .info zone ay kadalasang mas mura.
Kung hindi mo alam ang domain zone na pipiliin to represent sa network nang business mo, it will be best na mag-launch ka ng website in the zones like .com, .net or .biz.
Kung ang iyong organization ay non-profit seeking at hindi connected with any specific geographical area, maari mong piliin ang .org na option.

Impact of the selected domain zone on website promotion
beautiful girl thinking about website promotionKung nais mong maintindihan ang domain zone na pipiliin mo para mas better mong mai-promote
and increase your visibility sa Google and other search engines, kailangan mong malaman ang pinaka-basic and most important rule: the website theme must correspond to the theme of the zone.
Ang mga search engines ay kadalasang nagbibigay nang nararapat na attention sa mga correspondence nito. Halimbawa, if you are selling mobile phones or fashion items and create a website sa .limo domain zone, the search engine will be surprised and siguradong hindi ka mapapabilang sa first page nang search results kahit pa super SEO-optimized ka for all important keywords and search requests.

Dapat mong tandaan na ang pagpili ng domain zone must be done wisely, at never mong kalimutan ang regional connection. It is prestigious to buy in the .com zone pero mas mainam na piliin mo ang .vegas kung ang iyong business activity ay limited lamang sa slot machines repair services in the city of Las Vegas.

Ang Impact ng Domain Name sa SEO website promotion
Kung plano mong i-promote ang iyong website using specific keywords and requests, hanapin mo ang mga available website addresses in advance which will come with a visitor base. Kung suswertehin ka, you may buy expired or just released domain names na may external backlinks.
Subukan mo ang option na ito dahil baka possible na may high return of your investments in promotion kahit pa it will require special apps and additional monetary requirement.  

domain registration button on the keyboardIn case bibili ka ng expired domain, make sure that you inspect it first. You can possibly get immediate bonuses tulad nang domain age and quality backlinks. Pero maaari that you will end up erroneously buying banned domains na marked as spam or malicious content ng mga search engines. Kaya mabuti that you seriously analyze ang pros and cons kung bibili ka nang old domains.
Maaari kang pumili nang domain that includes your main business keyword request. Makakatulong ito sa iyo para maging closer ka to get on TOP or sa first page nang search engine ranking.

Gagawa ako nang separate article about how and why you should consider buying expired domains.

Ano ang most popular and strongest domain zones?
Ang pinakakilala at most popular are .com, .net, .org, .biz, .pro and national or regional gaya nang .ph, .com.ph or .asia.

Which domain hosting to choose to order your domain name:
Isa sa pinakasikat na domain name service provider ay ang Godaddy.

where to buy pictureKung gusto mong makahanap nang alternative option, narito ang ilang useful links provided nang domains Pro Kapa Sousou (in no particular order):
-       Uniregistry.com - user interface and ease of use.
-       Dynadot.com – mura, great interface, and mabilis na customer support.
-      Porkbun.com - super mura, good interface and maraming free extras such as SSL (where GoDaddy will charge you about PHP 3000 / year), Whois privacy etc.
-     Domaincheap.com – rock-bottom prices and a clean, easy to use interface and mabilis na support

Kung ano man ang mapipili mo sa mga ito, please avoid Network Solutions at all cost.

Paano i-connect ang iyong domain name with your website CMS?
Depende sa domain hosting company na napili mo, madidiskubre mo na napakadaling i-connect ng iyong domain name sa iyong website CMS. Kadalasan, ang mga company na ito ay may easy to follow manuals and FAQs. I suggest na iwasan mong mag-search nang “how to connect my domain” or “park domain” dahil bawat isang domain hosting service and CMS ay may magkaibang control panel pero it is possible that the connection process will be similar. Once na nag-sign-up ka for the domain hosting services, you will find a menu named “DNS Management” at susundin mo na lang ito.  

Short summary
idea summary bulbMadami ka bang natutunan ngayong araw? I-summarize natin! Uulitin ko, sundin mo lang ang apat na basic rules and you will get happier website visitors and mas madami pa!
#1 Creative, Maikli & Madaling maalala
#2 Aligned to your personal or business goals
#3 Tamang location and correct domain zone
#4 Full name only, avoid cut words, figures and “-“


Glossary:

Domain name - your website name. It is the address where Internet users and find and access your website.
Domain registrar - a company that manages the reservation of Internet domain names.
Backlinks  - a link from some other website (the referrer) to that web resource (the referent).
CMS - a content management system - manages the creation and modification of digital content.
DNS - Domain Name System is a hierarchical and decentralized naming system for computers, services, or other resources connected to the Internet or a private network.
Domain Whois - a method for checking information about ownership of a domain name.
Domain Privacy - (often called Whois privacy) is a service offered by a number of domain name registrars. A user buys privacy from the company, who in turn replaces the user's information in the WHOIS with the information of a forwarding service. 
TLD - top-level domain is one of the domains at the highest level in the hierarchical DNS of the Internet. 


Tuesday, January 22, 2019

Paano gawin ang nararapat na structure para sa iyong ecommerce website?


Hindi man masyadong napapansin ng karamihan, pero ang website structure ay higit na mahalaga para sa aesthetics at organization ng isang website. Nararapat lamang na ang basic at pangunahing bagay na ito ay hindi minamaliit. Sa pagsisimula ng pagbuo ng iyong website, ito ang pinaka-unang bagay na dapat isagawa. Ideally, dapat lamang na dina-draft ang basic structure ng iyong website bago pa man simulan ang ibang mga bagay gaya ng website CMS o hosting selection.

Sa paggawa ng website structure, ang unang hakbang ay ang pagpa-plano ng keywords. Malaki ang naitutulong ng mga tamang phrase o keyword sa paghuhubog ng tamang website structure. Tutulungan ko kayong mamili ng akma at nababagay na keywords at phrases sa isa sa mga susunod kong articles.

Kahulugan. Ang ibig sabihin ng structure ng isang website ay ang hierarchical relationship ng iba’t ibang pages sa iisang website. Madaming uri ng website structure ang nakikita sa internet ngayon. Ang pinaka-kilala ay ang pyramidal o hierarchical type. Halimbawa, tingnan natin ang structure ng isang ecommerce online shop.

structure of ecommerce website
   
Ang structure na ito ay ang pinaka-karaniwan at ang pinaka-mainam na i-implement sa mga website. Maaari mang magbago ang mga kategorya at ang ibang mga page ngunit nananatiling ganito ang kalalabasang structure nito.


Bakit nga ba mahalaga ang paggamit ng tamang structure para sa iyong website?

usability image on the desktop
1. Usability.  Palagi mong isasa-isip ang mga kailangan at mga problema ng mga bumibisita sa iyong website. Paano mo ibibigay ang kanilang mga kailangan at sasagutin ang kanilang mga katanungan sa isang mabilis at simpleng paraan? Isa sa pinaka-pangunahing solusyon dito ay ang pagkakaroon ng isang oraganized at maayos na website structure. Kahit nasaan mang page sa website ang iyong bisita, nararapat lamang na alam niya kung saan siya nagmula at paano siya makakapunta sa kahit sa alin sa mga sumusunod:

- sa main website page
- sa kahit saang kategorya
- sa kategoryang pinanggalingan niya
- sa contacts o location page, etc.

Maaari ring makatulong sa mga bisita ang tamang re-linking sa lahat ng mga page na nabanggit, ngunit ang  pundasyon sa pagkamit ng convenience para sa mga users ay isang maayos na website structure.


2. Convenience for Google (or other search engines). Mas magiging madali para sa mga search engine robot na i-index ang lahat ng iyong website pages kung maayos ang structure ng mga ito. Hindi makakaligtaan ng mga robot ang lahat ng page ng iyong website kaya ang iyong mga content ay maayos na maidi-display sa mga search result. Kung ang website structure mo ay magulo at masyadong komplikado, maaring hindi na ito i-index ng mga search engine robot at ang mas malala ay bigyan pa ang iyong website ng isang low-quality mark. Kapag nangyari ito, mapupunta ang iyong website sa pinakahuli ng mga search results.

young lady planning an ecommerce website structure
Kahit na mayroon kang unique at nakaka-akit na content, kahanga-hangang designs, o kung ano pa man na angat sa iba, kung ang structure naman ng iyong website ay lumalabag sa website structure rules, balewala din ang lahat ng ito. Patuloy lang na isasantabi ng mga search engine robot ang iyong website at ipapagpaliban ang pag-iindex dito.

Kung hindi ma-iindex ng mga search system ang iyong website, hindi ito agad na mahahanap ng iyong target audience at mas lalong hindi makikilala ang iyong pinaghirapan na content. Siguro naman ay sapat na ang rason na ito para malaman mo ang mga kahihinatnan ng iyong website kung hindi mo susundin ang wastong website structure.


young lady promoting her ecommerce website
3. Website promotion. Mas mapapadali ang pag-promote mo sa iyong website kung tama at maayos ang structure nito. Ang tinatawag nilang “weight” o “juice” ng website ay nakadepende sa mga level at content ng bawat page. Ang pangunahing level (o 1st level) ay ang pinakamahalaga para sa mga search engine. Of course, ang ibang mga level (level 2, 3 o iba pa) ay mahalaga rin, ngunit hindi sila kasing-halaga ng iyong home or title page.
 


Nangangahulugan lamang ito na ang bawat sub level page ng iyong website ay mayroong mas mababang weight kumpara sa mas matataas na mga level. Isaalang-alang ang bagay na ito sa pagbuo ng iyong website upang mai-disctribute mo nang maayos ang iyong mga content sa mga angkop na levels.


Paano nga ba lumikha ng isang wastong website structure?

May ilang mga detalye na kailangan mong pagtuunan ng pansin upang ma-optimize ang structure ng iyong website at maging mabisa ito para sa iyong negosyo. At ang pinaka-unang dapat na isinasaalang-alang ay…

Keywords!!! Ang una at pinakamahalagang bagay na dapat gawin ay ang malaman ang mga gagamitin mong main keywords para sa iyong business. Maraming beses nabanggit ang kahalagahan ng pagpili ng keywords dahil kapag na-identify mo na ang mga keywords na gagamitin mo, maaari mo ring ma-identify ang mga sumusunod: 
man doing ecommerce website keywords research

• Ano ang mga kategoryang kailangan pang idagdag
• Alin sa mga kategoryang ito ang dapat na itaas sa structure
• Alin ang nararapat na tanggalin

Kapag naintindihan mo na kung ano ang madalas na hanapin ng iyong target audience, maaari mo ring ma-identify kung alin sa mga categories o subcategories ang kailangan mong i-prioritize.


Alamin kung anong klaseng keywords ang nararapat para sa alin mang page ng iyong website. Makabubuti na malinaw kung aling mga produkto o serbisyo ang iyong iha-highlight at kung saang webpage mo ito ilalagay. Alin bang mga produkto at serbisyo ang magkakasama sa isang category? Alin ang magkakahiwalay?

ecommerce website structure planning
Sa pagdedesisyon kung saan ilalagay ang iyong mga produkto at serbisyo, alamin din ang level ng kahalagahan ng bawat isa upang maisaayos ang pagdi-display nito sa iyong website sa pinaka-logical at convenient na paraan para sa mga user.

Halimbawa: Kapag gumawa ka ng isang ecommerce website para sa mga kotse, logical lamang na maglagay ng iba’t ibang kategorya ayon sa uri ng kotseng binebenta gaya ng kategorya para sa sedan, SUV, convertible, at iba pa. Kasabay nito ay maaari mo ring i-highlight ang magkakaibang brands na alam mong patok sa masa gaya ng “Toyota Vios”.


Ready to use templates. Ang ilang mga mahusay na alam website o ecommerce online shop builders ng tindahan ay maaaring mag-alok sa iyo ng mga template na handa na sa paggamit na maaari mong baguhin ayon sa iyong mga pangangailangan sa negosyo. Mayroong 3 pangunahing manlalaro sa lugar na ito dito sa Pilipinas: wix, www.easybuilder.pro at shopify. Kung nagsisimula ka lamang sa iyong online na paglalakbay, subukan ang easybuilder.pro o wix muna.


Ipagpatuloy natin ang pagbuo ng wastong website structure:

young Asians asking questions
·         Isipin mong ang iyong website ay SAGOT para sa mga katanungan o request ng iyong mga bisita. 
·         Kinakailangan ng magkakahiwalay na webpage para sa bawat set ng keywords.
·         Pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang kalalabasan ng ecommerce website structure.
·         Makabubuti rin na ang iyong website structure ay flexible. Flexible in a sense na posibleng makapagdagdag o makapagbawas ng webpage na hindi nasisira ang buong structure.
·         Matutong mag-prioritize. Alamin kung aling mga serbisyo ang nais mong mas i-promote at alin ang hindi masyadong mabenta sa masa.


Glossary:
CMS – content management system. It manages the creation and modification of digital content. https://en.wikipedia.org/wiki/Content_management_system

Web Hostingis a type of Internet hosting service that allows individuals and organizations to make their website accessible via the World Wide Web.  

Keywords research  - is a practice search engine optimization (SEO) professionals use to find and research what people enter into search engines portals while looking for a particular subject.

Search engines - is a software system that is designed to search for information on the World Wide Web. 

Search engine robots (or Web crawler, sometimes called a spider or spiderbot) - is an Internet bot that systematically browses the World Wide Web, typically for the purpose of Web indexing (web spidering). https://en.wikipedia.org/wiki/Web_crawler

Website indexing (Web indexing or Internet indexing) refers to various methods for indexing the contents of a website or of the Internet as a whole.