Monday, June 1, 2020

Tungkol sa mga Sirang links

Kada oras, ang bawat website ay kailangan i-check dahil sa mga sirang links - yun yung mga walang pinupuntahan. Pagkatapos itong i-click, makikita ng user ang error message na 404 (nothing was found). Ang resulta, mawawalan siya ng interest na bumalik sa iyong website at ganun na lang, nawalan ka din ng susunod na bisita na maari mong maging pontensyal na customer. Sa medaling salita, ito ay may masamang epekto sa behavioral factors ng iyong website.

Hindi gusto ng search engines ang sirang links. Hanggat nandyan sila, maaari itong magdulot nang pagbaba ng position ng iyong website sa search results. Kapag sa bawat bagong pag bisita, nakita ng search bot ang mga broken links sa iyong website, i-aasign ito ng search engines bilang “Abandoned” at tuluyan nang i-dedelete sa search results.

Sa makatuwid, kung seryoso ka talaga sa epektibong pag promote ng iyong website, kailangan mo talagang hanapin ang lahat ng broken links para iwas problema o kung tawagin nila unnecessary garbage sa iyong website.

Paano ba hanapin ang mga broken links sa iyong website? How to find broken links on your website?
Maraming paraan para gawin ito:

1. Gawin nang paisa-isa. Kung ang website mo naman ay di kalakihan at kaya mong hanapin ang mga sirang links sa iyong website, ito ang unang paraan na pwede mong gawin ito. Kailangan mo itong gawin nang mas maaga, kung hindi, siguradong sa susunod na pagbisita ng search bot madedetect niya ang mga “garbage o basura” at mabibigay ng sanctions sa iyong website.

2. Tingnan ang indexed pages sa isang search engine. I-analyze ang listahan na nakuha gamit ang iyong website. Gawin ang manual search ng broken links sa bawat page sa listahan na iyong nakuha.

3. Google Search Console. ang tool na ito ay makatutulong para makita mo ang mga problematic links.

4. Libre o mga kailangan ng bayad na specialized online services o software (halimbawa, ahrefs).

Paano ba nagkakaroon ng mga sirang links sa iyong website

Kadalasan, ang rason kung bakit nagkakaroon nito ay ang mga sumusunod:

1. Dahil sa pagdelete ng luma at mga hindi importanteng pages at files. Ang link sa mga pages (internal linking) ay karaniwang na i-establish sa loob ng website. Pag dedelete nito ang nagiging rason kung bakit napupunta kung saan ang mga links. Sa makatuwid, kailangan ng regular na pagcheck sa mga sirang links pagtapos ang parehong aksyon na ginawa sa mga pages ng iyong website. 

2. Pagbabago sa structure ng iyong website. Pareho lang ang lahat, ang pag lilink ang nagiging dahilan ng paglitaw ng mga sirang links na resulta ng nasabing aksyon. I-search ang mga sirang links pagtapos ng kahit maliit na pagbabago sa structure.

3. Mga pagkakamali ng Webmaster. Ang mga tao ay sadya talagang nagkakamali minsan. Dahil ditto, hindi maiwasan na kadalasan ang mga tao na gumagawa ng links ay nagkakamali o meron silang mga typos sa URL addresses.

Ang paghahanap ng mga sirang links sa iyong website ay talagang makakabuti para sa iyo. Ang hindi pagpansin sa problemang ito ang siyang maging dahilan nang pagkasira ng iyong pagsisikap sa website promotion. Kaya wag kang tatamad tamad diyan at huwag kalimutang itapon ang lahat ng basura.