Kada oras, ang bawat website ay kailangan i-check dahil sa
mga sirang links - yun yung mga walang pinupuntahan. Pagkatapos itong i-click,
makikita ng user ang error message na 404 (nothing was found). Ang resulta,
mawawalan siya ng interest na bumalik sa iyong website at ganun na lang,
nawalan ka din ng susunod na bisita na maari mong maging pontensyal na
customer. Sa medaling salita, ito ay may masamang epekto sa behavioral factors
ng iyong website.
Hindi gusto ng search engines ang sirang links. Hanggat
nandyan sila, maaari itong magdulot nang pagbaba ng position ng iyong website
sa search results. Kapag sa bawat bagong pag bisita, nakita ng search bot ang
mga broken links sa iyong website, i-aasign ito ng search engines bilang
“Abandoned” at tuluyan nang i-dedelete sa search results.
Sa makatuwid, kung seryoso ka talaga sa epektibong pag
promote ng iyong website, kailangan mo talagang hanapin ang lahat ng broken
links para iwas problema o kung tawagin nila unnecessary garbage sa iyong
website.
Paano ba hanapin ang mga broken links sa iyong website?
How to find broken links on your website?
Maraming paraan para gawin ito:
1. Gawin nang paisa-isa. Kung ang website mo naman ay di
kalakihan at kaya mong hanapin ang mga sirang links sa iyong website, ito ang
unang paraan na pwede mong gawin ito. Kailangan mo itong gawin nang mas maaga,
kung hindi, siguradong sa susunod na pagbisita ng search bot madedetect niya
ang mga “garbage o basura” at mabibigay ng sanctions sa iyong website.
2. Tingnan ang indexed pages sa isang search engine. I-analyze
ang listahan na nakuha gamit ang iyong website. Gawin ang manual search ng
broken links sa bawat page sa listahan na iyong nakuha.
3. Google Search Console. ang tool na ito ay makatutulong
para makita mo ang mga problematic links.
4. Libre o mga kailangan ng bayad na specialized online
services o software (halimbawa, ahrefs).
Paano ba nagkakaroon ng mga sirang links sa iyong website
Kadalasan, ang rason kung bakit nagkakaroon nito ay ang
mga sumusunod:
1. Dahil sa pagdelete ng luma at mga hindi importanteng
pages at files. Ang link sa mga pages (internal linking) ay karaniwang na
i-establish sa loob ng website. Pag dedelete nito ang nagiging rason kung bakit
napupunta kung saan ang mga links. Sa makatuwid, kailangan ng regular na
pagcheck sa mga sirang links pagtapos ang parehong aksyon na ginawa sa mga
pages ng iyong website.
2. Pagbabago sa structure ng iyong website. Pareho lang
ang lahat, ang pag lilink ang nagiging dahilan ng paglitaw ng mga sirang links
na resulta ng nasabing aksyon. I-search ang mga sirang links pagtapos ng kahit
maliit na pagbabago sa structure.
3. Mga pagkakamali ng Webmaster. Ang mga tao ay sadya
talagang nagkakamali minsan. Dahil ditto, hindi maiwasan na kadalasan ang mga
tao na gumagawa ng links ay nagkakamali o meron silang mga typos sa URL
addresses.
No comments:
Post a Comment