Tuesday, January 22, 2019

Paano gawin ang nararapat na structure para sa iyong ecommerce website?


Hindi man masyadong napapansin ng karamihan, pero ang website structure ay higit na mahalaga para sa aesthetics at organization ng isang website. Nararapat lamang na ang basic at pangunahing bagay na ito ay hindi minamaliit. Sa pagsisimula ng pagbuo ng iyong website, ito ang pinaka-unang bagay na dapat isagawa. Ideally, dapat lamang na dina-draft ang basic structure ng iyong website bago pa man simulan ang ibang mga bagay gaya ng website CMS o hosting selection.

Sa paggawa ng website structure, ang unang hakbang ay ang pagpa-plano ng keywords. Malaki ang naitutulong ng mga tamang phrase o keyword sa paghuhubog ng tamang website structure. Tutulungan ko kayong mamili ng akma at nababagay na keywords at phrases sa isa sa mga susunod kong articles.

Kahulugan. Ang ibig sabihin ng structure ng isang website ay ang hierarchical relationship ng iba’t ibang pages sa iisang website. Madaming uri ng website structure ang nakikita sa internet ngayon. Ang pinaka-kilala ay ang pyramidal o hierarchical type. Halimbawa, tingnan natin ang structure ng isang ecommerce online shop.

structure of ecommerce website
   
Ang structure na ito ay ang pinaka-karaniwan at ang pinaka-mainam na i-implement sa mga website. Maaari mang magbago ang mga kategorya at ang ibang mga page ngunit nananatiling ganito ang kalalabasang structure nito.


Bakit nga ba mahalaga ang paggamit ng tamang structure para sa iyong website?

usability image on the desktop
1. Usability.  Palagi mong isasa-isip ang mga kailangan at mga problema ng mga bumibisita sa iyong website. Paano mo ibibigay ang kanilang mga kailangan at sasagutin ang kanilang mga katanungan sa isang mabilis at simpleng paraan? Isa sa pinaka-pangunahing solusyon dito ay ang pagkakaroon ng isang oraganized at maayos na website structure. Kahit nasaan mang page sa website ang iyong bisita, nararapat lamang na alam niya kung saan siya nagmula at paano siya makakapunta sa kahit sa alin sa mga sumusunod:

- sa main website page
- sa kahit saang kategorya
- sa kategoryang pinanggalingan niya
- sa contacts o location page, etc.

Maaari ring makatulong sa mga bisita ang tamang re-linking sa lahat ng mga page na nabanggit, ngunit ang  pundasyon sa pagkamit ng convenience para sa mga users ay isang maayos na website structure.


2. Convenience for Google (or other search engines). Mas magiging madali para sa mga search engine robot na i-index ang lahat ng iyong website pages kung maayos ang structure ng mga ito. Hindi makakaligtaan ng mga robot ang lahat ng page ng iyong website kaya ang iyong mga content ay maayos na maidi-display sa mga search result. Kung ang website structure mo ay magulo at masyadong komplikado, maaring hindi na ito i-index ng mga search engine robot at ang mas malala ay bigyan pa ang iyong website ng isang low-quality mark. Kapag nangyari ito, mapupunta ang iyong website sa pinakahuli ng mga search results.

young lady planning an ecommerce website structure
Kahit na mayroon kang unique at nakaka-akit na content, kahanga-hangang designs, o kung ano pa man na angat sa iba, kung ang structure naman ng iyong website ay lumalabag sa website structure rules, balewala din ang lahat ng ito. Patuloy lang na isasantabi ng mga search engine robot ang iyong website at ipapagpaliban ang pag-iindex dito.

Kung hindi ma-iindex ng mga search system ang iyong website, hindi ito agad na mahahanap ng iyong target audience at mas lalong hindi makikilala ang iyong pinaghirapan na content. Siguro naman ay sapat na ang rason na ito para malaman mo ang mga kahihinatnan ng iyong website kung hindi mo susundin ang wastong website structure.


young lady promoting her ecommerce website
3. Website promotion. Mas mapapadali ang pag-promote mo sa iyong website kung tama at maayos ang structure nito. Ang tinatawag nilang “weight” o “juice” ng website ay nakadepende sa mga level at content ng bawat page. Ang pangunahing level (o 1st level) ay ang pinakamahalaga para sa mga search engine. Of course, ang ibang mga level (level 2, 3 o iba pa) ay mahalaga rin, ngunit hindi sila kasing-halaga ng iyong home or title page.
 


Nangangahulugan lamang ito na ang bawat sub level page ng iyong website ay mayroong mas mababang weight kumpara sa mas matataas na mga level. Isaalang-alang ang bagay na ito sa pagbuo ng iyong website upang mai-disctribute mo nang maayos ang iyong mga content sa mga angkop na levels.


Paano nga ba lumikha ng isang wastong website structure?

May ilang mga detalye na kailangan mong pagtuunan ng pansin upang ma-optimize ang structure ng iyong website at maging mabisa ito para sa iyong negosyo. At ang pinaka-unang dapat na isinasaalang-alang ay…

Keywords!!! Ang una at pinakamahalagang bagay na dapat gawin ay ang malaman ang mga gagamitin mong main keywords para sa iyong business. Maraming beses nabanggit ang kahalagahan ng pagpili ng keywords dahil kapag na-identify mo na ang mga keywords na gagamitin mo, maaari mo ring ma-identify ang mga sumusunod: 
man doing ecommerce website keywords research

• Ano ang mga kategoryang kailangan pang idagdag
• Alin sa mga kategoryang ito ang dapat na itaas sa structure
• Alin ang nararapat na tanggalin

Kapag naintindihan mo na kung ano ang madalas na hanapin ng iyong target audience, maaari mo ring ma-identify kung alin sa mga categories o subcategories ang kailangan mong i-prioritize.


Alamin kung anong klaseng keywords ang nararapat para sa alin mang page ng iyong website. Makabubuti na malinaw kung aling mga produkto o serbisyo ang iyong iha-highlight at kung saang webpage mo ito ilalagay. Alin bang mga produkto at serbisyo ang magkakasama sa isang category? Alin ang magkakahiwalay?

ecommerce website structure planning
Sa pagdedesisyon kung saan ilalagay ang iyong mga produkto at serbisyo, alamin din ang level ng kahalagahan ng bawat isa upang maisaayos ang pagdi-display nito sa iyong website sa pinaka-logical at convenient na paraan para sa mga user.

Halimbawa: Kapag gumawa ka ng isang ecommerce website para sa mga kotse, logical lamang na maglagay ng iba’t ibang kategorya ayon sa uri ng kotseng binebenta gaya ng kategorya para sa sedan, SUV, convertible, at iba pa. Kasabay nito ay maaari mo ring i-highlight ang magkakaibang brands na alam mong patok sa masa gaya ng “Toyota Vios”.


Ready to use templates. Ang ilang mga mahusay na alam website o ecommerce online shop builders ng tindahan ay maaaring mag-alok sa iyo ng mga template na handa na sa paggamit na maaari mong baguhin ayon sa iyong mga pangangailangan sa negosyo. Mayroong 3 pangunahing manlalaro sa lugar na ito dito sa Pilipinas: wix, www.easybuilder.pro at shopify. Kung nagsisimula ka lamang sa iyong online na paglalakbay, subukan ang easybuilder.pro o wix muna.


Ipagpatuloy natin ang pagbuo ng wastong website structure:

young Asians asking questions
·         Isipin mong ang iyong website ay SAGOT para sa mga katanungan o request ng iyong mga bisita. 
·         Kinakailangan ng magkakahiwalay na webpage para sa bawat set ng keywords.
·         Pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang kalalabasan ng ecommerce website structure.
·         Makabubuti rin na ang iyong website structure ay flexible. Flexible in a sense na posibleng makapagdagdag o makapagbawas ng webpage na hindi nasisira ang buong structure.
·         Matutong mag-prioritize. Alamin kung aling mga serbisyo ang nais mong mas i-promote at alin ang hindi masyadong mabenta sa masa.


Glossary:
CMS – content management system. It manages the creation and modification of digital content. https://en.wikipedia.org/wiki/Content_management_system

Web Hostingis a type of Internet hosting service that allows individuals and organizations to make their website accessible via the World Wide Web.  

Keywords research  - is a practice search engine optimization (SEO) professionals use to find and research what people enter into search engines portals while looking for a particular subject.

Search engines - is a software system that is designed to search for information on the World Wide Web. 

Search engine robots (or Web crawler, sometimes called a spider or spiderbot) - is an Internet bot that systematically browses the World Wide Web, typically for the purpose of Web indexing (web spidering). https://en.wikipedia.org/wiki/Web_crawler

Website indexing (Web indexing or Internet indexing) refers to various methods for indexing the contents of a website or of the Internet as a whole.

Wednesday, January 16, 2019

Gusto mo ba ng Website?



Gusto mo bang magkaroon nang sariling website? 

Kayang-kaya mong gawin ito nang walang kahirap-hirap!


Girl thinking about her own website
Kung ikaw ay gumagawa ng mga cool stuff at gusto mo itong mapansin worldwide, kailangan mo nang magkaroon ng sariling website! 

Ang guide na ito ay makakatulong sa iyo on how to create your own website para sa iba’t ibang purpose gaya ng personal lifestyle blog, corporate profile or e-commerce website na hindi na kailangan pang mag-hire ng expensive programmers at mga fancy designers. Mabilis kang makaka-create ng maganda at professional looking website on your own.  Paano? Dahil sa fast evolution ng website builders, maikukumpara na ngayon ang paggawa ng website the same way Ikea bridged the complexity sa pag-assemble ng mga basic furniture na maging simple at madaling DIY project.    

Girl thinking about the reasons why she need a website
May pinsan akong nag-put up ng sarili niyang business, nagbebenta siya ng mga furniture para sa mga warehouses. Immediately after niyang magbukas ng kanyang company, he made a corporate website at nadiskubre nya na tama siya sa ginawa niyang ito.  It doesn’t matter kung anong klaseng sales technique ang gagamitin mo para maka-attract ng customers, kahit ano mang gimik ang gagamitin mo, mas mainam pa din na merong digital representation ang business mo.  Kailangan mo ding i-make sure na professional o decent looking ang iyong website, personal or corporate man ito.

Ang paggawa ng isang pleasant looking website na laging available online at madaling i-navigate ng iyong visitors ay kadalasang may pagka-pricey which is a big challenge lalo na at karamihan sa mga start-up businesses ay may limited budget. Most of the time nga hindi na kinu-consider pang i-prioritize ng mga new business owners na mag-hire pa ng professional programmer o designers dahil limited lang ang resources during start-up. Of course, pwede kang mag-hire ng low-cost specialists pero malamang the results will be way below your expectations.  Kung iniisip mo namang humingi ng tulong sa mga friends mo in exchange for a few bottles ng beer or wine, naku wag ka, not even a good idea bro. I’ve been there, done that at sa totoo lang, ang dami kong natutunan. Bottom line, don’t even think about it.

Girl thinking how to make a website easily
Dahil limited lang ang iyong budget, the smartest choice would be na ikaw na lang ang gumawa ng sarili mong website. Madami na ang nakakaalam na may mga website builders na nag-aallow sa iyo na mag-create ng sarili mong website kahit na hindi ka web designer at wala kang coding skills. Sa totoo lang di rin ako naniniwalang possible ang ganitong sistema.  Akala ko dati professionals lang ang may kakayahan sa pag gawa ng website at big no sa amateurs!  Pero, over time, narealize ko na sobra na yata akong critical sa mga newbies. Sa totoo lang, bakit gagastos ng thousands ang isang start-up business owner, spend time at energy on discussing about the design features ng kanyang website kung kaya naman pala niya ma-accomplish at makagawa ng website in a matter of days or kahit ilang oras lamang? At yung tipo ng outcome pa na perfectly aligned sa iyong vision at  sa gusto mo talagang kalabasan nito.

Dahil na nga sa nag-iba na ang opinion ko tungkol dito, ang article na to will be devoted sa mga bagay na kailangan mong isipin sa initial stage, that is kung nakapag-decide ka nang gumamit ng website builder. Para i-back-up ang post na ito ng mga examples at pictures, let us assume na gagamit tayo ng free version ng www.easybuilder.pro website builder. May kaunti na akong idea about sa product na ito at nalaman ko na isa ito sa mga best in terms of quality at price sa Philippines.
    
So, saan nga ba tayo magsisimula sa pag-create ng sarili mong website?


Humanap ng strong reason kung bakit kailangan mo ng isang website.

Man choosing website template and color
You need to understand (at maigi nga that you write it down) kung ano ang mga possible na challenges na kayang i-solve ng iyong website and the role that it will serve. Bakit mo ito ginagawa at anu-ano kaya ang possible pages that it will contain? Kailangan mong pag-isipan ng mabuti at bigyan ng attention ang answers sa mga questions na ito since ito ang magiging foundation sa pag-build ng iyong website.

Tip: upang meron kang clear understanding sa kung ano ang iyong mga magiging resources, gawin mo siyang prototype. Maraming services na makakatulong sa iyo to solve this problem pero mas madali parin na i-sketch mo ito.

Usually, yung mga website builders, meron silang hundreds of thematically organized templates na para sa kahit anong klase ng personal or business needs. Meron silang options para sa blogs, travel, restaurants, web shops at kung anu-ano pa.

Mas magiging madali para sa iyong mamili ng perfect template kung alam mo na beforehand kung ano ang hinahanap mo.  For example, yung template na intended sa pag-create ng isang online shop ay very different sa isang landing page template.


Alamin kung sinu-sino ang iyong target audience

Man thinking about his website contentSinu-sino ba ang gusto mong maabot ng iyong website? Ano ba ang kanilang   background, preferences, lifestyle at habits? Saan ba sila nagtatarabaho at paano nila ginagamit ang kanilang free time? Anu-ano kaya ang kanilang interests at bakit nila kakailanganin ang mga product at services na inu-offer mo? Bakit ikaw ang pipiliin nila over your competitor? 

Marahil ay alam mo na ang sagot sa mga questions na ito noon pa man nang gumagawa ka pa lang ng iyong business plan. Sa paggawa ng iyong website, you need to understand kung paano mo ipo-position ang iyong product or services.  You need to clearly craft your company’s image at ang mensahe na gusto mong makuha ng iyong audience when they visit your website.

Pag-aralan mong mabuti on how your competitors position themselves sa market. You might think na hindi mo na ito kailangang gawin dahil baka accidentally ma-copy mo yung kanilang successful idea. Pero it’s wrong thinking. Kung gusto mong makuha ang isang niche sa market, kailangan mong maintindihan kung paano ka magiging kakaiba at unique from your competitors.


Pumili ng iyong domain name at hosting

Girl is writingAng pagpili ng iyong domain name ay isang task na maaring mag-isolate sa iyo from reality ng at least a day or half a day. Ang kailangan mong gawin ay mag-isip ng iba’t ibang options para sa iyong domain website names at gumawa nang multiples checks kung yung domain na gusto mo ay already occupied or if you are lucky enough, available pa ito.  Hindi ko na siguro kailangan pang ulit-ulitin kung gaano ka important na makakita ka ng domain name na short, memorable and at the same time reflects the essence ng iyong business.  

Sa pagpili ng domain name, you will encounter another serious problem – the need to find a hosting para sa iyong website. Dito, kakailanganin mo na ng assistance from professionals who will be able to advice you kung paano pumili ng possible combination between quality at prices of the hosting services. It is the right time na humingi ka ng assistance from easybuilder.pro dahil these guys provide free hosting na may kasamang subscription model that will help you save time, money and energy.  


Pumili ng color at style

Couple thinking about website design
Sa pagpili ng standard template galing sa website builder, maaari kang maging katulad ng libo-libong websites. Dahil dito, kinakailangan mong i-edit lahat ng possible elements. Pumili ka ng tamang color scheme, style ng fonts at pictures. Huwag kang mag-alala dahil hindi mo naman kailangang intindihin or aralin ang basics of coding, all elements can be dragged and dropped sa pag-click mo lang ng mouse.  Siguradong mag-eenjoy ka sa creation process ng iyong website, it will be fun, mabilis and it will even tap your creative side.

Personally, hindi ako sigurado if my customers like my website or not. Kaya lagi kong pinapakita sa mga kaibigan at mga family members ko yung mga prototypes before yung final launch. At ito pa ang isang tip, mag-subscribe ka sa mga professional graphic designers sa Facebook groups or forums. Libre lang ito at if you are lucky, maaari kang makakuha ng great advice galing sa mga industry professionals.


Prepare the content

Girl is writing website content
Kung hindi ka masyadong familiar sa mga graphic design programs, malamang magiging mas masaya ka to know na hindi mo naman talaga kailangang magdesign ng layout ng iyong website. Karamihan sa mga website elements at plugins ay predefined at ready to use sa iilang clicks lang. Pero, kailangan mo pa ding seryosohin ang paggawa ng iyong elements.

Kailangang legal at unique ang mga photos at pictures mo. Yung mga texts mo man ay dapat witty, catchy at easy to understand na walang grammatical errors. Kung wala ka namang oras or skills sa pagsulat ng iyong content, pwede kang mag-outsource. Hindi naman gaanong mahal ang basic copywriting. Meron lang iilang questions na kailangan mong i-consider in detail bago ka mag-start to work on the content:   

Ano ba ang mga key messages para sa iyong website visitors? Ano ba ang magiging focus message on each website page?
Ano kaya ang mag-eencourage at magko-convince sa iyong visitors para mag-purchase, mag-register, mag-subscribe or mag-order ng iyong services?


Iilang tips on how your contents should be:

1.  Relevant. Siguraduhing palaging fresh at updated ang mga information sa iyong website. Ang mga outdated information tungkol sa iyong company or yung mga “news” na nai-publish na nang mahigit sa isang taon will make your visitors think negatively sa iyong business performance. 

2.   Call for action. Maglagay nang dalawa or tatlong (pero hindi na hihigit pa) Call for Action sa iyong main page like: “Go shopping” “View our works” at iba pa. This will encourage your visitor na mag-explore further and possibly take the next step.

3.  Structured. Yung infinite plain text ay kadalasang nakaka-bore sa kahit sino. Gumamit ka ng mga formatting features: headings, paragraphs, bold fonts, at iba pang styles para i-highlight ang mga important phrases. Makakatulong itong ma-convey ng mabuti ang information sa iyong site. 

4.   Catchy. Lagi mong tatandaan na konti lang ang time at mas lalong lesser ang desire ng iyong mga visitors to read plain and lengthy texts. Each line should solve a problem or answer a question. Otherwise, wala nang magbabasa nito. Pay attention sa iyong mga headlines. Ito kadalasan ang nag-aatract sa iyong mga visitors.


I-publish ang iyong website at wag kalimutan ang kanyang development

Friends are sharing their opinions about your websiteNapag-aralan mo nang mabuti ang iyong website habang ikaw ay nasa stage ng designing at developing. Make sure na lahat ay very user friendly at madaling maintindihan; ang text, call for proper action, colors at design. Pero wag kang mag-limit sa iyong opinion lang. Makakatulong sa iyo kung hihingi ka nang konting confirmation galing sa small group of users: friends, family members or unknown members ng iba’t ibang social media groups or forums. Maigi kung makakagawa ka ng questionnaire in advance. Makakatulong ito to get outside opinions at mga sagot sa specific questions.

Last tip, pay attention to valid criticism lang!

Congratulations! Maari mo nang mai-publish ang iyong website! Sa wakas! Ang saya kapag nakapag-publish ka na pero hindi pa dito natatapos ang iyong journey. You just raised the sail, pero kailangan mo pa ng wind para maka-move forward and ahead.


picture of successConstantly develop your website:

1.    Humanap ng marami pang information about SEO (Search Engine optimization) para laging nasa first page ng search engine results ng Google, Yahoo, Bing at iba pa ang iyong website.
2.    I-update ang iyong content periodically. Makaka-improve ito ng search engine indexing and will increase ng interest of the audience sa iyong website. 
3.    Develop interaction with the audience sa pamamagitan ng mailings, promotions at contests sa social networks.

Sana ay nakatulong ang article na ito na ma-inspire ka at ma-remove ang iyong mga hesitations in creating your very own first website. Good luck!