Tuesday, January 22, 2019

Paano gawin ang nararapat na structure para sa iyong ecommerce website?


Hindi man masyadong napapansin ng karamihan, pero ang website structure ay higit na mahalaga para sa aesthetics at organization ng isang website. Nararapat lamang na ang basic at pangunahing bagay na ito ay hindi minamaliit. Sa pagsisimula ng pagbuo ng iyong website, ito ang pinaka-unang bagay na dapat isagawa. Ideally, dapat lamang na dina-draft ang basic structure ng iyong website bago pa man simulan ang ibang mga bagay gaya ng website CMS o hosting selection.

Sa paggawa ng website structure, ang unang hakbang ay ang pagpa-plano ng keywords. Malaki ang naitutulong ng mga tamang phrase o keyword sa paghuhubog ng tamang website structure. Tutulungan ko kayong mamili ng akma at nababagay na keywords at phrases sa isa sa mga susunod kong articles.

Kahulugan. Ang ibig sabihin ng structure ng isang website ay ang hierarchical relationship ng iba’t ibang pages sa iisang website. Madaming uri ng website structure ang nakikita sa internet ngayon. Ang pinaka-kilala ay ang pyramidal o hierarchical type. Halimbawa, tingnan natin ang structure ng isang ecommerce online shop.

structure of ecommerce website
   
Ang structure na ito ay ang pinaka-karaniwan at ang pinaka-mainam na i-implement sa mga website. Maaari mang magbago ang mga kategorya at ang ibang mga page ngunit nananatiling ganito ang kalalabasang structure nito.


Bakit nga ba mahalaga ang paggamit ng tamang structure para sa iyong website?

usability image on the desktop
1. Usability.  Palagi mong isasa-isip ang mga kailangan at mga problema ng mga bumibisita sa iyong website. Paano mo ibibigay ang kanilang mga kailangan at sasagutin ang kanilang mga katanungan sa isang mabilis at simpleng paraan? Isa sa pinaka-pangunahing solusyon dito ay ang pagkakaroon ng isang oraganized at maayos na website structure. Kahit nasaan mang page sa website ang iyong bisita, nararapat lamang na alam niya kung saan siya nagmula at paano siya makakapunta sa kahit sa alin sa mga sumusunod:

- sa main website page
- sa kahit saang kategorya
- sa kategoryang pinanggalingan niya
- sa contacts o location page, etc.

Maaari ring makatulong sa mga bisita ang tamang re-linking sa lahat ng mga page na nabanggit, ngunit ang  pundasyon sa pagkamit ng convenience para sa mga users ay isang maayos na website structure.


2. Convenience for Google (or other search engines). Mas magiging madali para sa mga search engine robot na i-index ang lahat ng iyong website pages kung maayos ang structure ng mga ito. Hindi makakaligtaan ng mga robot ang lahat ng page ng iyong website kaya ang iyong mga content ay maayos na maidi-display sa mga search result. Kung ang website structure mo ay magulo at masyadong komplikado, maaring hindi na ito i-index ng mga search engine robot at ang mas malala ay bigyan pa ang iyong website ng isang low-quality mark. Kapag nangyari ito, mapupunta ang iyong website sa pinakahuli ng mga search results.

young lady planning an ecommerce website structure
Kahit na mayroon kang unique at nakaka-akit na content, kahanga-hangang designs, o kung ano pa man na angat sa iba, kung ang structure naman ng iyong website ay lumalabag sa website structure rules, balewala din ang lahat ng ito. Patuloy lang na isasantabi ng mga search engine robot ang iyong website at ipapagpaliban ang pag-iindex dito.

Kung hindi ma-iindex ng mga search system ang iyong website, hindi ito agad na mahahanap ng iyong target audience at mas lalong hindi makikilala ang iyong pinaghirapan na content. Siguro naman ay sapat na ang rason na ito para malaman mo ang mga kahihinatnan ng iyong website kung hindi mo susundin ang wastong website structure.


young lady promoting her ecommerce website
3. Website promotion. Mas mapapadali ang pag-promote mo sa iyong website kung tama at maayos ang structure nito. Ang tinatawag nilang “weight” o “juice” ng website ay nakadepende sa mga level at content ng bawat page. Ang pangunahing level (o 1st level) ay ang pinakamahalaga para sa mga search engine. Of course, ang ibang mga level (level 2, 3 o iba pa) ay mahalaga rin, ngunit hindi sila kasing-halaga ng iyong home or title page.
 


Nangangahulugan lamang ito na ang bawat sub level page ng iyong website ay mayroong mas mababang weight kumpara sa mas matataas na mga level. Isaalang-alang ang bagay na ito sa pagbuo ng iyong website upang mai-disctribute mo nang maayos ang iyong mga content sa mga angkop na levels.


Paano nga ba lumikha ng isang wastong website structure?

May ilang mga detalye na kailangan mong pagtuunan ng pansin upang ma-optimize ang structure ng iyong website at maging mabisa ito para sa iyong negosyo. At ang pinaka-unang dapat na isinasaalang-alang ay…

Keywords!!! Ang una at pinakamahalagang bagay na dapat gawin ay ang malaman ang mga gagamitin mong main keywords para sa iyong business. Maraming beses nabanggit ang kahalagahan ng pagpili ng keywords dahil kapag na-identify mo na ang mga keywords na gagamitin mo, maaari mo ring ma-identify ang mga sumusunod: 
man doing ecommerce website keywords research

• Ano ang mga kategoryang kailangan pang idagdag
• Alin sa mga kategoryang ito ang dapat na itaas sa structure
• Alin ang nararapat na tanggalin

Kapag naintindihan mo na kung ano ang madalas na hanapin ng iyong target audience, maaari mo ring ma-identify kung alin sa mga categories o subcategories ang kailangan mong i-prioritize.


Alamin kung anong klaseng keywords ang nararapat para sa alin mang page ng iyong website. Makabubuti na malinaw kung aling mga produkto o serbisyo ang iyong iha-highlight at kung saang webpage mo ito ilalagay. Alin bang mga produkto at serbisyo ang magkakasama sa isang category? Alin ang magkakahiwalay?

ecommerce website structure planning
Sa pagdedesisyon kung saan ilalagay ang iyong mga produkto at serbisyo, alamin din ang level ng kahalagahan ng bawat isa upang maisaayos ang pagdi-display nito sa iyong website sa pinaka-logical at convenient na paraan para sa mga user.

Halimbawa: Kapag gumawa ka ng isang ecommerce website para sa mga kotse, logical lamang na maglagay ng iba’t ibang kategorya ayon sa uri ng kotseng binebenta gaya ng kategorya para sa sedan, SUV, convertible, at iba pa. Kasabay nito ay maaari mo ring i-highlight ang magkakaibang brands na alam mong patok sa masa gaya ng “Toyota Vios”.


Ready to use templates. Ang ilang mga mahusay na alam website o ecommerce online shop builders ng tindahan ay maaaring mag-alok sa iyo ng mga template na handa na sa paggamit na maaari mong baguhin ayon sa iyong mga pangangailangan sa negosyo. Mayroong 3 pangunahing manlalaro sa lugar na ito dito sa Pilipinas: wix, www.easybuilder.pro at shopify. Kung nagsisimula ka lamang sa iyong online na paglalakbay, subukan ang easybuilder.pro o wix muna.


Ipagpatuloy natin ang pagbuo ng wastong website structure:

young Asians asking questions
·         Isipin mong ang iyong website ay SAGOT para sa mga katanungan o request ng iyong mga bisita. 
·         Kinakailangan ng magkakahiwalay na webpage para sa bawat set ng keywords.
·         Pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang kalalabasan ng ecommerce website structure.
·         Makabubuti rin na ang iyong website structure ay flexible. Flexible in a sense na posibleng makapagdagdag o makapagbawas ng webpage na hindi nasisira ang buong structure.
·         Matutong mag-prioritize. Alamin kung aling mga serbisyo ang nais mong mas i-promote at alin ang hindi masyadong mabenta sa masa.


Glossary:
CMS – content management system. It manages the creation and modification of digital content. https://en.wikipedia.org/wiki/Content_management_system

Web Hostingis a type of Internet hosting service that allows individuals and organizations to make their website accessible via the World Wide Web.  

Keywords research  - is a practice search engine optimization (SEO) professionals use to find and research what people enter into search engines portals while looking for a particular subject.

Search engines - is a software system that is designed to search for information on the World Wide Web. 

Search engine robots (or Web crawler, sometimes called a spider or spiderbot) - is an Internet bot that systematically browses the World Wide Web, typically for the purpose of Web indexing (web spidering). https://en.wikipedia.org/wiki/Web_crawler

Website indexing (Web indexing or Internet indexing) refers to various methods for indexing the contents of a website or of the Internet as a whole.

No comments:

Post a Comment